OFW na pinay sa Saudi, Namangha at natuwa sa kakaibang trato ng kaibigan ng amo niya sa kanya

Loading...
  • Isang OFW (Overseas Filipino Worker) ang nagbahagi na naging karanasan niya sa panandaliang mawala ang kanyang amo.
  • Habang wala ang tunay na amo, ang asawa ng kaibigan nito ang siyang nakasama niya sa bahay.
  • Nagulat ang Pinay dahil hinahayaan lamang siya kainin at inumin kung ano man ang kanyang gusto.
  • Labis pa na ikinatuwa ng Pinay ay ang paglilinis din niya sa bahay ay tinutulungan din siya.

Ang pagiging OFW ay isang malaking pagsubok sa bawat Pilipino na nagnanais magpunta sa ibang bansa upang magtrabaho.

Labis ang pagdarasal ng mga OFW na sana ay mapunta sila sa mabait na magiging Amo na kanilang pakikisamahan.

Nagbahagi ng kwento sa social media ang isang Pinay sa Saudi. Ayon sa Pinay, nagising na lang daw siya na wala ang kanyang amo at ang naroon lamang ay ang asawa ng kaibigan ng kanyang amo.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng Pinay na ito na ang kaibigan ng kanyang amo ay hinahayaan lang siya kumuha ng inumin at pagkain na gusto niya.

Larawan mula sa post ni Nidajane

“Itinuro niya sa akin ang cabinet sa kusina kung saan nakalagay ang mga kape, tea, at gatas. Tapos kung gusto ko raw gumawa ng pancake may flour naman daw at itlog” kwento ng Pinay.

Pagkatapos kumain ng agahan ng pinay, sinabihan pa daw siya na samahan daw siya linisin ang kabilang bahay na ikinagulat naman ng Pinay dahil tutulungan pa siya nito.

Larawan mula sa post ni Nidajane

“Bitbit nya ang vaccum cleaner at mga basahan akin naman ang mop at liquid soap.. Nilinis namin ang bahay ng kapatid nya.. Ako ang taga vaccum at mop sya naman ang taga punas ng mga cabinet sa mga kwarto at sa kusina.. Sya rin ang kumiskis ng mga patak ng semento at pintura sa sahig at sa lababo.” Kwento pa ng Pinay na hangang hanga sa kaibigan ng amoy nya.

January 6, 202011 am na ako lumabas ng kwarto dahil hindi pa ako nakakarinig ng ingay sa sala eh gusto ko ng maghugas…

Posted by ‎ندا برٹو‎ on Monday, 6 January 2020

Namangha at natuwa ang Pinay sa kabaitan na ipinakita sa kanya at hindi niya maiwasan ikumpara ang kanyang amo dito.

“Sana ganito ang madam ko sa bahay hindi yung puro AKO na lang palagi.” dagdag pa niya.

Ayon pa sa pinay kahit hindi daw siya inuutusan ay kusang loob niya ginagawa lahat ang paglilinis at sa pabiro niya ay kusang loob din daw niya binubuksan ang refrigerator.

Loading...