Nagulat ang nanay nang malaman kung saan nakukuha ng kanyang anak na Grade 1 ang pera nang umuwi galing eskwelahan

Loading...
  • Nagulat ang isang nanay na nagbahagi ng kwento tungkol sa kakaibang karanasan sa kanyang anak na nasa Grade 1
  • Ayon sa ina ay binibigyan niya ito ng baon sa araw-araw para pangkain nito.
  • Ngunit nagulat naman ang nanay nang umuwi ang kanyang anak ay sobra pa ang pera nito.

Naging trending sa social media ang post ng isang nanay mula sa Malaysia na si Puan Hasmi Samsuddin dahil sa pera ng kanyang anak na Grade 1.

Ayon sa KAMI, akala daw ng ina ay kumukuha ng pera ang kanyang anak sa ibang mga kaklase nito.

Mula sa ulat naman Rachfeed, may ibang diskarte at paraan ang bata upang madagdagan ang kanyang baon sa araw-araw.

Imahe mula sa post ni Puan Hasmi Samsuddin

Ayon kay Puan Hasmi Samsuddin, binibigyan nya ang kanyang anak sa halagang RM2 o katumbas nito ay P24.00 para sa baon.

Labis naman nagulat ang kaniyang anak nang umuwi ito na may dala na RM4 o P48.00, nadoble ang ibinigay niya sa kanyang anak.

Mas labis na ikinagulat ng ina kung saan nanggaling ang pera ng anak at iniisip kung ano-ano at baka mapahamak ang kanyang anak.

Sinabi rin agad ng anak kung ano ang kanyang ginagawa. Hindi raw niya ito kinukuha sa kaklase, ito daw ay kanyang kinita mula sa pagbebenta ng Tipakl0ng sa eskwelahan nila.

Maraming netizens naman ang naaliw at mga positibong komento mula sa nanay.

“Sobrang magaling ang diskarte ng bata”

“Matalinong bata. Bata pa lang alam na kung paano kumita sa magandang paraan”

“Parents need to support this child’s pure effort”

“Already good at being independent”

 

Loading...