Mga Magkakaklase, ginawang palabunutan ang kanilang PRC IDs sa waiter para malaman kung sino ang magbabayad

Loading...
  • Kakaibang paraan ng mga magkakaklase sa MSU para malaman kung sino ang magbabayad ng kanilang kinain.
  • Ang kanilang mga PRC IDs ang ginawang palabunutan na tila paraffle at pinabunot ang waiter.
  • Nang may nakuha na ID, tinanggap naman ang hamon na siya ang magbabayad ng kanilang kinain sa isang restaurant.

Ang buwan ng Disyembre ay isa sa buwan ng Reunion ng pamilya, magkakaibigan at magkakaklase.

Sa buwan ng Disyembre, umuuwi ang magkakapamilya dahil madalas walang pasok ang mga may trabaho kaya nakakapagpahinga at nakakapag-relax.

Karaniwan sa pagkikita naman, madalas ay ambagan o kanya-kanyang kontribusyon ang ibinibigay para maibayad sa kanilang kakainan o paglilibangan.

Imahe mula sa screenshot video ni Ichizaki Magalona | Facebook

Bagamat, kakaiba ang paraan ng magkakaklase na ito sa Mindanao State University – General Santos na mga inhinyero na ngayon. Naiiba ang kanilang paraan sa pagbabayad kung saan nakatuwaan nilang lahat at ng mga netizens.

Inilabas nila ang isa sa mahalagang importante sa kanila at ayun ang PRC IDs nila at inilagay ito sa isang paper bag na kulay brown at saka ipinabun0t sa waiter na nag-serve sa kanila upang pagbayarin.

Imahe mula sa screenshot video ni Ichizaki Magalona | Facebook

Kung sino man ang mabun0t ng waiter ay malaki ang maiaambag. Bago bunutin ng waiter ang ID, ipinasa muna sa mga kaklase paikot ang paper bag at inal0g-al0g ito hanggang dumating sa pinakadulo. Nakarating sa waiter ang paper bag at doon nagsimula hugutin kung sino ang nabun0t.

Nang makapili na ang waiter, tinignan niya mabuti ito kung sino ang nabun0t at humarap ito sa mga magkakaklase sabay tinanong siya na “Babae? Lalake?”

Imahe mula sa screenshot video ni Ichizaki Magalona | Facebook

Sumagot ang waiter ng “Lalake”. Pagkasigaw ng waiter ay tila may nanalo ng lotto dahil ang mga babae ay naglundagan dahil sila ay nakaligtas dahil wala sa kanila ang nagmamay-ari ng ID na nabun0t ng waiter.

Inilarawan ng waiter ang kanyang nabunot hanggang sa pangalanan na niya ito ng Larry Jay Constantino na agad naman napahawak na sa kanyang bag.

SINO MAGBABAYAD? 🤣😂Nagkita-kita kami ng mga kaklase ko nung College (now Civil Engineers 😎) at kumain sa isang restaurant. Pina raffle namin kay Kuya Waiter yung PRC IDs, kung sinong mabubunot, mas malaki ang ambag! 🤪🤣#HappyNewYear #CivilEngineers #MSUGenSan #Welcome2020

Posted by Ichizaki Magalona on Monday, 30 December 2019

Nagwakas ang kanilang video na may mga ngiti sa labi na tila nag-enjoy sa kanilang reunion lalo na sa kanilang pamamaraan ng pagbabayad ng kanilang kinainan. Hindi naman si Larry ang magbabayad lahat dahil mag-aambag din ang iba niyang kasama.

Nag trend sa social media ang kanilang video kung saan maraming netizens din ang naaliw sa kanilang ginawa at nagkaroon ng idea.

Loading...