Malakas kumain kahit walang kaharap na ipad, Netizen ipinagmalaki ang kanyang ‘Anak’

Loading...
  • Trending online ngayon ang kanyang ‘anak’ dahil mabait daw ito at ganado kumain kahit walang kaharap na gadget
  • Ang anak na kanyang tinitukoy ay isang shih tzu na kumakain habang sinusubuan niya ito gamit ang kutsara.
  • Ayon sa netizen ay ganado itong kumain at talaga naman nagpapakabusog bago maglaro.

Sa panahon ngayon ay isa sa malaking pagsubok sa isang magulang ang mapakain ng maayos ang mga anak na walang kaharap na anuman gadgets.

Dahil sa teknolohiya, nagiging upgraded na din ang ilan kabataan na hindi namumulat sa mga larong pinoy dahil mas nananatili ang kanilang mata sa gadgets.

Ang ibang bata naman ay madalang laman kumain ng gulay dahil madalas ang gusto nila ay fried chicken o kaya ay karne.

Ang ibang magulang naman ay sinusuhulan pa ang mga anak upang kumain lang at hahayaan nila mag gadgets para kumain lamang.

Screenshot Image Credit: Jack and the Balbons

Pero kakaiba ang kwento na ito, dahil sa post ng Jack and the Balbons Facebook page, Ayon sa netizen na nagpasa ng video ang kanyang ‘anak’ daw ay ganado kumain kahit walang kaharap na gadgets.

Hindi rin daw ito sumasagot sa kanya kahit pagalitan niya ito, tumatahol lang daw. Kahit daw ano sabihin niya ay sumusunod ito at minsan makulit lang daw talaga.

Screenshot Image Credit: Jack and the Balbons

Kumakain ito ng gulay at sa bawat subo niya sa kanyang anak ay kinakain naman nito. Ang tinitukoy nyang anak ay isang Shih Tzu. Ito ay isang breed ng aso na sobrang cute ang itsura nito, makapal ang balahibo at hindi kalakihan.

Flex ko lang yung anak ko na kahit walang ipad na kaharap ganado pa rin kumain. Napakabait na bata kahit na pagalitan mo hindi yan sumasagot, tumatahol lang. 🤣🤣🤣📽 instagram @jack_and_the_balbons

Posted by Jack and the Balbons on Monday, 6 January 2020

Sa video ay may nakalagay na caption na; Flex ko lang yung anak ko na kahit walang ipad na kaharap ganado pa rin kumain. Napakabait na bata kahit na pagalitan mo hindi yan sumasagot, tumatahol lang.

Maraming netizens ang kinagiliwan ito at umabot na sa 4 million views ang video na ito at may mga positibong komento ang mga netizen lalo na ang mga dog lover. Sana raw ang ganito din daw kumain ang mga bata na walang kaharap na gadget at madali pagsabihan.

Loading...