Dahil sa sobrang paggamit ng Gadget, Isang Ina ang nagbigay ng Payo sa iba tungkol sa sinapit ng kanyang Anak

Loading...

Ang paggamit ng Gadgets sa panahon ngayon ay talagang walang humpay dahil lahat ay magagawa mo sa isang gadgets.

Katulad na lang ng cellphone, marami kang magagawa tulad sa panonood, pakikinig ng musika, paglalaro at pag-research.

Isa din ito sa ginagamit ng ilan na nagtatrabaho upang gamitin waze, tawagan ang mahahalagang tao, sa kanilang opisina, malaman ang mga news at iba pa.

Katulad mo, isa ka din na gumagamit ng gadgets na hindi mo namamalayan ang oras ay nasosobrahan ka na at hindi mo alam na may ibang dul0t ito sa iyong katawan.

Gaya na lamang ng batang tampok sa kwentong ito na ibinahagi ng isang ina sa kanyang Facebook post na nagbibigay ng Payo sa ibang magulang o labis na gumagamit ng gadget.

Image Credit: Mama Disay – Chery

Nag-viral ang post ng isang nanay sa social media nito lamang nakaraan na makikilala sa pangalan na Chery tungkol sa sinapit ng kanyang anak.

Ayon kay Chery pagkahatid niya sa kanyang anak sa paaralan ay bigla na lamang ito umiyak dahil sa sobrang pananakit ng mata. Pinagalitan pa raw niya at ito at napagsabihan na sana mas maaga nitong nasabi na may dinaramdam pala sa katawan at hindi na pinapasok sa eskwelahan.

Image Credit: Mama Disay – Chery

Natakot din si Chery dahil sa kondisyon ng anak kaya nagdesisyon agad siya na ipatingin sa espeyalista dahil nalaman din ni Chery mula sa guro na umiiyak din ito nakaraan sa kaparehong dahilan.

Nang matingnan ng espesyalista ang bata, nadiskubre nila na mataas na ang grado sa mata ng kanyang anak na dapat daw ay magsuot na ito ng salamin sa mata.

Hindi inaakala ni Chery na aabot sa ganito ang kanyang anak dahil masyado pa itong bata para lumabo agad ang paningin. Ipinaliwanag din ng doktor na baka daw ito ay sanhi sa sobrang paggamit ng mga gadgets na nakakasira sa mata dahil sa radiation.

Image Credit: Mama Disay – Chery

Nakaramdam ng pagsisisi si Chery at pakiramdam niya ay nagkulang siya sa pag-aalaga sa kanyang mga anak bilang isang ina dahil hindi nililimatahan ang paggamit ng gadgets at hindi natutukan masyado ang sariling anak.

Ayon pa rito, mayroon din silang unlimited na koneksyon sa internet at may piso-net kaya naman madalas nakababad ang kanyang mga anak sa gadgets habang abala siya sa gawain bahay at trabaho.

Ibinahagi din ni Chery ang sinapit ng anak bilang isang payo sa kapwa niya magulang na hindi lahat ng gusto ng anak ngayon na sa paggamit ng gadgets ay masunod ang anak para lang matahimik. Mas mabuti din sanayin ang mga bata na maglaro gamit ang mga laruan hindi ang gadgets.

Source: Facebook

Loading...