Sa Kabila Ng Katandaan, Lola Nagtatrabaho Bilang Isang Kargador Sa Palengke

Loading...

Kargador ay isang trabahong tila baý mga taong batak at mga kalalakihan lamang ang nakakagawa. Sadyang napakahirap nga naman ng buhay.

Nangangailangan ng malakas na katawan sa pagbubuhat ng mga mabibigat na karga katulad na lamang ng mga sako at kahon.

Nag viral ang isang video sa Facebook page na Astrophile kung saan may babaeng gumagawa ng trabahong ito. Hindi lamang basta bastang babae ang nagtatrabaho bilang isang kargador kundi isa nang matandang babae na dapat ay nagpapahinga na lamang sa bahay. Sa hirap ng buhay, di na alintana ang edad.

Screenshot mula sa video sa Facebook Page Astrophile

Kaya naman sa kabila ng katandaan, hindi mo makikitaan ng panghihina ng katawan si lola habang dahan- dahang ikinakarga ng dalawang lalaki ang isang sakong punong puno at ipinatong sa likod ni lola.

Kitang kita sa video kung gaano kabigat ang naturang sako. Halos kasing laki na ng tao at bakas sa mukha ni lola ang hirap sa pagbubuhat ngunit ininda niya ito maikarga lamang ito sa kaniyang likod.

Screenshot mula sa video sa Facebook Page Astrophile

Isang mahabang tela ang ginamit ni lola upang masuportahan ang kaniyang likod sa pagbubuhat ng tila baý napaka bigat na sakong iyon.

Itinali niya ito sa kaniyang bandang likuran at balikat. Marahil ng sag anon, kahit kaunti mabawasan ang bigat ng kaniyang kinakarga. Hindi ito minadali ng matanda dahan dahan siyang naglakad dahil baka ngaý mabigla. Nagawang buhatin ni lola ang sako.

Saddest video in the internet today 😢😢😢 -PLEASE DO NOT LET YOUR MOM TO DO THISFollow us ☹

Posted by 𝙰𝚂𝚃𝚁𝙾𝙿𝙷𝙸𝙻𝙴 on Saturday, 21 December 2019

 

Kay sakit makita na ang isang lola na dapat ay nagpapahinga, ay siyang nagtatrabaho pa. Maraming netizens ang naaawa kay lola at kinurot ang kanilang mga puso. Imbis na magrelax at magpahinga dahil sa kanyang edad ay ganito pa ang kanyang ginagawa.

Loading...