Sa gitna ng Black Nazarene Traslacion 2020, Isang Deboto ang nag-propose sa kanyang kasintahan

Loading...

Ang Traslacion ng Itim na Nazareno ay taon-taon ginaganap at dinadagsa ito ng mily0n-milyong deboto sa iba’t ibang bahagi ng bansa na sinasadya puntahan o sumama sa Traslacion.

Nakalagay ang istatwa ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church at taon-taon ay inilalabas ito at iniikot sa buong Maynila upang makita, mahawakan, mahipo ng panyo at manalangin ang ibang tao na madadaanan nito.

Nag-umpisa daw ang traslacion noong taon 1787 nang ilipat ang Itim na Nazareno sa Rizal Park kung saan nakalagay ito patungong simbahan ng Quiapo sa Maynila.

Larawan mula sa Manila Public Information Office | Facebook

Para sa isang deboto, ang makita at mahawakan lamang ang Poon ay isang malaking bagay na sa kanila dahil naniniwala sila nakakapagpagaling ito ng anuman sakit, nadidinig ang hiling at nagbibigay ito ng blessings at himala.

Larawan mula sa Manila Public Information Office | Facebook

Samantala may isang deboto ang sumama sa Traslacion at kasama niya ang kanyang kasintahan. Sa oras at gitna ng Traslacion ay nag-propose ng kasal ang nobyo sa kanyang kasintahan na buong puso naman ito tinanggap ng kanyang nobya.

Ayon sa 24 oras, magkasamang dumalo sa traslacion ang magkasintahan na sila Kim Noel at Mary Joie Flores para mabiyayaan, matupad ang hiling at makita ang Poon. Habang nagdiriwang ang lahat sa Poon Itim na Nazareno ay dito na niya inalok ng kasal ang kaniyang nobyang si Mary Joie Flores.

Naging viral ang kanilang proposal lalo na kakatapos lang ang Traslacion 2020. Masaya  ang magkasintahan na naging saksi ang mga kapwa deboto. Ayon sa kanila, sa darating na Marso 2020 ay nagpaplano na silang magpakasal.

Loading...