Pulis Sa Baguio City, Nagbalik ng isang Bag na may laman na Cash at mga Importanteng Dokumento ng may-ari na siyang pinagpasalamat

Loading...

Isang tungkulin ng isang pulis ay ang pagiging matapat na naglilikod sa bayan at sa kapwa. Kagaya na lamang ng pulis na ito na kinagiliwan at pinuri ng mga netizens dahil na nga sa pagsauli nito ng nalaglag na bag ng negosyante noong buwan ng Disyembre.

Ayon sa salaysay ng isang netizen na si Wilfredo Gatchalian sa kaniyang isang post sa Facebook, di niya alintanang nahulog pala ang kaniyang bag sa Baguio noong buwan ng Disyembre 28, 2019.

May laman daw itong 20,000 pesos na cash, credit card, passbooks, passport, spare key ng sasakyan at driver’s license, kaya Malaki ang pasasalamat niya kay P/lt Buhong sa pagiging tapat nito at naibalik lahat ng laman ng kaniyang bag.

Imahe mula kay Wilfredo Gatchalian | Facebook

Halos mawalan na ng pag asa si Wilfredo na maisasauli pa ang mga ito. Siya “Nanlulumo na nga po ako tapos bila nag- chat sa akin napulot daw bag ko.

Hindi ko na nga ineexpect na mababalik pa eh. Napakabait ng mga pulis doon. Strict pero mabait.” Hiling pa niya na “Sana lahat ng pulis ganito”,

Police baguio matapat!♥️👮Nais ko pong magpasalamat kay P/lt. Bhong Jdt Bhong (buhong ang nakasulat na surname nya) sa…

Posted by Wilfredo Gatchalian on Sunday, 29 December 2019

Dagdag pa niya, “Binibigyan ko si sir ng reward pero ayaw pa niya tanggapin, labis labis ang pasasalamat ko sa iyo at sampu ng mga kasama mo sa police station 3 ng Baguio City. Nawaý marami ka pang matulungan na nangangailangan.”

Loading...