Pinaghirapan na bahay ni Maja Salvador para sa kanyang Pamilya, Ipinasilip sa mga netizens

Loading...

Isa sa pinakamasarap na pakiramdam ang makapagpundar ng sariling bahay lalo na kung galing ito sa sariling pagsisikap.

Magaan din sa pakiramdam ang mabigyan ng sariling bahay ang mga magulang natin para bilang ganti sa kanilang pagtataguyod.

Gaya na lamang ng ilan na celebrities na nagbabahagi ng kanilang naipundar tulad ng bahay, negosyo, sasakyan at kagamitan.

Imahe mula kay @iammajasalvador | Instagram

Isa na dito ang aktres na si Maja Salvador na isa sa kilalang artista ngayon sa showbiz industry dahil sa aktibo ang paglabas nito sa mga telebisyon.

Nagbahagi ng ilan larawan si Maja Salvador na kanyang ipinundar na bahay para sa kanyang pamilya sa isang magandang subdivision.

Ang bahay na ito ay isa sa naging inspirasyon ng aktres upang pagbutihin pa ang pagtatrabaho sa industriya ng showbiz.

Nais ni Maja na mabigyan ng magandang buhay at tirahan ang kanyang pamilya kaya sinugurado niya maganda ang kakalabasan nito.

Malawak ang paligid sa loob at labas ng bahay na naisipan din niya lagyan ito ng mga halaman para magkaroon ng preskong hangin.

Sa isang sulok ay makikita ang mini-garden na binubuo ng mga halaman at bulaklak na talagang napakaaliwalas pagmasdan.

Sa ikalawang palapag naman ay masisilayan ang malawak na sala, kusina, at dining area na talagang makikita ang kulay puti at itim.

 

Sa interior at kulay ay mismong si Maja ang pumili dahil ang nais nito ay maaliwalas kagad pagmasdan tignan ang kanilang bahay.

Ang kaniyang ina naman na si Mommy Thelma Andres ay nagdagdag din ng kulay pulang kagamitan sa unang palapag upang masunod ang sinasabing Feng Shui.

Ang kanilang mga kagamitan at ayos ng bahay ay nababatay sa pilosopiya na nagmula sa Chinese at Feng Shui.

Hindi rin mawawala sa ikalawang palapag ang walk-in closet at entertainment area para sa kanilang bisita na talaga naman ikakamangha.

Isa sa bongga at magandang regalo ni Maja ang bahay na ito para sa kanyang pamilya na siya naman talagang pinaghirapan niya ipundar. Naging instrumento ni Maja para maipundar ang bahay na ito ay ang kanyang labis na pagmamahal sa magulang.

 

 

Loading...