Kasambahay ni Pia Guanio isinasama sa ibang bansa at pinag-aaral pa ng Cooking Class

Loading...

Sa pangahon ngayon ay bihira na lang sa mga kasambahay ang makahanap ng mabait na amo at talagang ituturing sila bilang kasama talaga sa bahay.

Madalas ang ibang kasambahay ay ramdam na ramdam nila na sila ay naiiba sa kanilang pinagsisilbihan dahil sa pagtrato sa kanilang pinapasukan.

Mayroon din naman pinapalad na ibang kasambahay katulad na lang nito kay Rodalyn Oliveros na dating isang domestic helper sa Middle East.

Ngunit ngayon ay pinalad dahil sa magandang pag-trat0 at pakikitungo sa kanyang sinisilbihan na pamilya.

Image Credit: @piaguanio_mago Instagram

Sa una ay tagapag-alaga siya sa buns0ng anak ni Pia Guanio at hindi nagtagal ay naging 0ver-all na sa kanilang bahay dahil magaan ang pakiramdam sa kanya at nagustuhan ang kanyang serbisyo.

Dahil sa nakita ang potensyal ni Rodalyn sa kusina ay nakuha ang atensyon ni Pia Guanio kaya hindi nagdalawang isip si Pia na ipasok sa teknikal na kurso tungkol sa pagluluto para lalo ito matuto sa paggawa ng iba’t ibang klase ng makakain at magamit din sa ibang trabaho.

Hindi nagtagal ay natapos ito sa kurso sa kanyang pinag-aralan at nakatanggap ng Certificate.

Ang mga natutunan niya sa Kurso na kanyang pinasok ay magagamit niya sa ibang paraan upang makahanap din ng trabaho at sa sarili niyang pamilya hindi lang sa pagsisilbi sa butihin pamilya ni Pia.

Bukod sa cooking class na napag-aralan ni Rodalyn, isinasama din siya sa iba’t ibang bansa tuwing bumabyahe ang pamilya.

Sa loob ng dalawang taon na naninilbihan sa mga ito ay nakarating na siya sa iba’t ibang bansa tulad ng Australia, Taiwan at Hongkong.

Isa siya sa maraming kasambahay na pinalad at napunta sa mabuting amo.

Kung noon ay nagtatrabaho siya bilang domestic helper sa Middle East, hindi hamak na mas maganda ang kanyang kinalalagyan noon kumpara noon.

Loading...