Estudyanteng Naglalako Ng Pastillas, Binigyan Ng Malaking Biyaya ng Nag-iinom

Loading...

Mahirap pag aralin ang sarili. Mahirap mag aral sa umaga at magtrabaho sa gabi para lang may pambayad, pambaon at pang gastos ka kinabukasan.

Ang kita dito ay hindi pa sigurado sapagkat ito ay maaaring swertihan lamang. Isa sa mga pwedeng maging pagkakakitaan ng isang estudyante ay ang paglalako o pagbebenta.

Katulad na lamang ng isang estudyanteng nagtitinda ng pastillas na nag viral kamakalian lamang. Sa umpisa ng video makikitang para lamang siyang pinagkakatuwaan ng isang alaking nag iinom.

Lakas ng loob ang naging puhunan ng estudyante nang lumapit siya sa mga nag iinuman upang alukin ito ng kaniyang binebentang mga pastillas.

Screenshot mula sa SabrinaCio Footwear | Facebook

Iniisip pinagtritripan lamang ang estudyanteng ito. Sa una ay iniinterview siya ng isang lalakeng di maitatangging nakainom. Bakas sa estudyanteng siyaý kinakabahan. Tinanong ng lalaki kung bakit ginagawa ito ng tindero, at sinabi niyang para ito sa kanyang pag-aaral.

Nang nalaman ng lalaki na nasa ₱1,000 ang kikitain ng estudyante kung maibenta niya lahat ng paninda, nagdesisyon siyang bigyan na lamang ito ng ₱1,000 upang makauwi na at bukas nalang ibenta ang mga paninda.

Screenshot mula sa SabrinaCio Footwear | Facebook

Ngunit hindi pa doon ito nagtatapos. Bilang bisperas naman na noon ng bagong taon, naisipan pa ng lalaki na gawing ₱1,500 ang ibibigay sa estudyante. Bakas sa mukha ng estudyante ang kaniyang tuwa pagkat ito ay naluha na sa saya.

Ibinigay sa kanya ang pera at di kinuha ang mga pastillas na maari pa niyang ibenta kinabukasan. Sabi pa ng lalaki, galing daw sa “itaas” ang biyayang iyon at doon dapat ding magpasalamat.

Restore Humanity ♥️New year's Eve having a dinner with my family na caught nya attention namen. Kaya we decided na surpresahin sya. Watch till the end #SabrinacioFootwearCares♥️

Posted by Sabrinacio Footwear – main on Saturday, 4 January 2020

Niyakap pa niya ang estudyante na noo’y lalo pang naiyak at habang papalayo ito, sinabi pa ng lalaki hanapin ng estudyante ang SabrinaCio footwear sa Facebook na kanilang pagmamay-ari para malaman nila kung ga-graduate na ito.

Sila na rin daw kasi ang sagot sa handa ng estudyante. Labis na hinangaan ng mga netizens ang pamilyang may-ari ng SabrinaCio footwear sa Bulacan dahil sa pagtulong nila sa estudyante at sa pagbabahagi ng biyayang patuloy nilang tinatanggap.

Loading...