Tatay na mahilig mag-ampon ng mga aso sa lansangan kahit walang-wala, Binigyan ng sorpresa at tulong

Loading...

Ang mga hay0p ay katulad din natin na may puso at pakiramdam. Nakakaramdam ng gutom, pangungulila, may mga magulang, at buhay sa araw-araw.

Marami rin sa atin na ginagastusan talaga ang kanilang mga alagang hayop tulad ng aso at pusa dahil itinuturing nila itong pamilya na talaga na parang isang tunay na anak o kapatid.

Hindi rin biro ang gastusin nila tuwing dinadala sa beterinaryo at mga pangangailangan nila tulad ng pagkain, gamot, vitamins at mga treats nila.

May mga hay0p din na nakakaawa lalo na ang mga nakikita natin sa kalsada na walang matirahan, walang makain at walang masisilungan lalo na kapag tag-init at tag-ulan na ang kaibahan lang sa tao ay maaari makapagtrabaho ang tao at makabili ng makakain.

Gayun pa man, kakaiba ang storya ng lalake na ito. Nakilala ang taong ito dahil mahilig sya umampon ng mga aso sa kalye. Kung tawagin siya ay Tatay Boyet na nag-aampon ng mga aso sa kalye kung saan inaalagaan niya ito na tila ba parang isang tunay na pamilya.

Image via thecampfirethougths.com

Isang netizen ang nagmagandang loob na ang pangalan ay Ran ang nakakita kay Tatay Boyet sa lansangan habang tulak-tulak ang isang marup0k na karton na puro asong kalye.

Ang kaibahan ni Tatay Boyet sa ibang mga may hatak na kariton, puro aso ang laman nito kaya noong nakita ni Ran ay naantig ang kanyang puso kaya hindi nagdalawang isip si Ran ibahagi ang kwento ni Tatay Boyet.

Image via thecampfirethougths.com

Sa kalsada nakatira si Tatay Boyet ngunit hindi hadlang para sa kanya ang kanyang sitwasyon upang tulyngan ang mga aso na nangangailangan ng kalinga na pag-aalaga.

Kinupkop niya ang mga ito, pinapakain at dala-dala kung saan man siya magpunta. Alam daw niya kasi ang hirap at pakiramdam sa walang nag-aalaga, walang matirahan at makain.

Humanga ang netizen na si Ran dahil kahit walang wala si Tatay Boyet ay naisipan pa niya alagaan ang mga aso na nasa kalye.

Dahil marami humanga kay Tatay Boyet, Nag-trending siya sa social media at marami ang nagnanais magbigay ng tulong. Dinagsa rin ng mga pamasko si Tatay noong pasko at mga alaga niya na aso mula sa isang sikat na online shopping app.

Image via thecampfirethougths.com

Noong nakita nila si Tatay Boyet ay agaran nilang ibinigay ang kanilang regalo kay tatay sa Aurora Boulevard. Mayroon laman na mga pagkain para sa kanyang alaga at para kay tatay. Binigyan rin sila ng kumot at banig.

Image via thecampfirethougths.com

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kwento na ito ni Tatay Boyet at sa mga taong nananakit ng mga hay0p ay maging bukas ang inyong isipan na dahil ang iba ay makakita lang ng mga hay0p ay sinasasaktan na lamang ito.

Loading...
Tags:,