OFW na Pinay, Nagbahagi ng kanyang diskarte upang makakain at mabusog habang nagtatrabaho

Loading...

Ang pagiging OFW (Overseas Filipino Worker) ay isang malaking pakikipagsapalaran ng bawat Pilipino na gustong magtrabaho abroad. Maituturing sila na bayani dahil sa kanilang ginagawa sa ibang bansa upang maabot ang kanilang pangarap.

May mga OFW din na sagad sa pagtatrabaho kaya nalilipasan na gutom at wala sa oras ang pagkain lalo na kung ang nagiging amo nila ay mahigpit.

Gaya na lamang ng OFW na ito na si Sherilyn Mendiola, tuwing magliligpit siya ng mga pinagkainan ay may nakikita siyang mga tira na pagkain. Ngunit ang kanyang ginagawa imbis itapon sa basurahan ay pasimple niya itong kinakain dahil malinis naman daw ito.

Screenshot mula sa video ni Sherilyn Mendiola | Facebook

Makikita sa video ni Sherilyn habang naghuhugas ng mga kagamitan tulad ng pinggan at pinaglutuan ay pasimple niyang kinain ang mga tira-tira.

Maraming netizens ang naka-relate sa ginawa ng Pinay lalo na ang ibang OFW. Malinis naman daw ang pagkain at wala naman daw masama sa kanilang ginagawa.

Narito ang bidyo ni Sherilyn na may caption: “Para-paraan lang para mabusog kesa naman itapon sa basurahan.”

Para paraan lng para mabusog kesa naman itapon sa basurahan.#Ofwlife

Posted by Sherilyn Mendiola on Saturday, 28 December 2019

Hinangaan din ng ibang netizens si Sherilyn dahil sa kanyang tatag, pagtitiis, lakas ng loob ay ineenjoy na lamang niya ang kanyang ginagawa para lang maiahon ang pamilya sa kahirapan na narito sa Pilipinas.

May mga ilan komento din ang mga netizen tungkol sa diskarte ng Pinay OFW na ito.

“Parang ako lang din yan hahahah. Sayang naman kasi ang pagkain.”

“Pareho tayo sis ganyan din ako. Malinis naman at alam naman natin kung saan nanggaling ang pagkain.”

“Ang importante ay may laman ang tyan kaysa magtrabaho na walang laman ang tyan.”

“Same lang tayo ng ginagawa diskarte lang talaga di na kailangan mag-inarte.”

 

Loading...
Tags: