Taon 1998, Ang Pilipinas ay nagkaroon ng P100,000 at P2,000 paper bills

Loading...

Noong nilabas ang P20 pesos na barya na desisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay maraming reaksyon mula sa mga netizens.

Nagdesisyon ang BSP na gawin itong barya upang mas mapatagal ang paggamit sa nasabing pera dahil madali raw masira ang mga papel na bente dahil ito daw ang mas madalas na ginagamit na pera sa ating bansa.

Bagamat kung ang bente pesos ang pinakagamit at perang papel na pinakamababang halaga sa kasalukuyan, alam nyo ba na mayroon pala mga perang papel sa ating bansa na mas malaki ang halaga kaysa sa P1,000.

Lingid sa ating kaalaman, naglabas pala ang BDP ng banknotes na tumataginting na P2,000 at P100,000 paper bills.

Larawan mula sa Facebook post ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Mula sa Facebook post ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nagbahagi sila ng isang larawan na centennial commermotive banknote kung saan makikita ang buong P100,000 pesos noong 1998. Ito daw ang pinakamalaki na inilabas ng BSP na paper bills dito sa bansang Pilipinas.

Naglabas daw ng ganitong pera upang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-100 taon kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop sa ating bansa.

Kung gaano kalaki ang halaga nito, ay ganun din kalaki ang sukat nito na umaabot sa 14 inches ang haba at 8 inches ang lapad. Kung inyong iisipin ay kasing laki ito ng bond paper kaya hindi maaari ibulsa o ilagay na lang sa pitak.

Ayon sa source, napasama na din daw ito noon sa Guinness Book of Records.

Noong taon 1998 din ay naglabas din ng P2,000 paper bills at bahagi din ito ng pagdiriwang ng kasarinlan ng Pilipinas.

Kuha ang larawan na ito mula sa NHCP

May sukat na 8 inches ang haba at 5 inches ang lapad. Makikita sa larawan ang panunumpa ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada sa Barasoain Church, Bulacan.

Limitad0 lang daw ang P2,000 paper bills na ito at nasa 1,000 piraso lamang ang inilabas ng BSP noong taon 1998. Noong August 1, 2019 ay inalisan na ng halaga ng BSP ang dalawang banknotes na ito, Ayon sa BSP nasa may-ari na daw ang desisyon kung  ipagpapalit nila ang pera o itatago bilang isang koleksyon.

Ayon sa BSP, tumataas daw ang halaga ng mga ganitong uri ng banknote lalo na kung limitad0 lamang at hindi permanenteng bahagi ng ating pananalapi. Minsan raw ay umabot sa P300,000 ang halaga ng isang P100,000 banknote.

Source: ABS-CBN news, Banko Sentral ng Pilipinas

Loading...