Magkapatid iniwan ng kanilang Ina, Bibili lang daw ng payong ngunit hindi na binalikan

Loading...

Ang mga anak ay responsibilidad ng mga magulang lalo na ang Ina na nagluwal at dinala sa sinapupunan ng siyam na buwan.

Ang mga anak ay hindi dapat pinapabayaan lalo na mga maliit pa lamang ito at wala pang muwang sa mundong ginagalawan.

Katulad na lamang ng dalawang bata na magkapatid na ito, Nakakalungkot ang pangyayari sa kanila dahil iniwan sila ng kanilang ina na sinabi ay bibili lamang ng payong.

Ibinahagi ng netizen na si Myleen delos Reyes de Villar sa kanyang post ang dalawang bata na nakita niyang umiiyak sa labas ng isang fastfood sa may People’s park banda sa may Valenzuela City.

Kwento ng mas nakakatandang kapatid, simula 6:00 a.m naroon na sila sa labas ng fastfood dahil iniwan sila ng kanilang nanay na nagpaalam lamang na bibili ng payong.

Dagdag pa ng bata, sinabi daw ng kanilang ina na manatili lamang sila doon hanggat hindi nakababalik ang kanilang ina ngunit ilan oras na ang lumipas walang nanay na nagpakita.

Gutom na gutom na ang mga bata at tila ang maliit na bata ay nagugutom na din dahil ilan oras na silang nakaupo sa harap ng fast food.

Tinanong sila ng ilan concerned netizens kung taga saan ang magkapatid at ang kwento ng nakatatanda na kapatid ay nagmula pa raw sila sa Tondo at nagbyahe lamang papunta ng Valenzuela kasama ang kanilang nanay.

Ngayon ay hindi nila alam kung paano makababalik sa kanila dahil hindi alam kung paano patungo pauwi sa kanila.

Kaya ang netizen ay nanawagan na lamang sa pamamagitan ng kanyang social media account.

“Kung sino man po ang mga magulang ng mga batang ito pakibalikan naman sila. Kawawa yung bata kanina pa daw 6am naghihintay dyan. Nagpaalam lang daw ang nanay nila na bibili lang ng payong pero hindi na bumalik. Taga TONDO daw po sila. Gusto na nilang umuwi pero hindi nila alam kung paano.”

Halo-halo ang reaksyon ng mga netizens sa ginawang pag-iwan sa mga bata. Naglabas ng sama ng loob ang mga netizens sa magulang nito at sa nanay na nagawang iwan ang dalawang supling na ito. Ang ilan ay nagsasabi baka kung ano ang mangyari sa dalawang bata kapag hindi ito nabalikan ng kanilang ina.

Sanay ay makabalik na sila sa kanilang tahanan at balikan na sila ng kanilang ina. Ipagdasal po natin ang kanilang kaligtasan.

Loading...