Lolo, ipinakita ang pagmamahal sa kanyang misis sa simpleng paraan na ikinahanga ng mga netizens

Loading...

Ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa mga mamahalin materyal, hitsura at iba pa na hinahanap ng iba para maramdaman nila ang tunay na pagmamahal.

Hindi rin nasusukat ang kung anong klaseng regalo ang dapat ninyong ibigay sa inyong minamahal dahil kahit simple man ito ang mahalaga ay maiparamdam mong mahal na mahal mo ang iyong kapareha.

Gaya na lamang ng storya na ito na ibinahagi ng netizen na si Janina Ulanday, Namataan niya si lolo sa isang bilihan ng mga damit.

Larawan mula sa post ni Janina Ulanday

Ayon sa netizen, tinitignan lang daw niya si lolo kasi pumipili daw ito ng damit ngunit sa kanyang napansin ay pambabae ang hinahanap nito imbis na panglalake.

Hindi nagtagal ay nilapitan na din ni Janina si lolo upang tanungin at tulungan kung ano ang hinahanap o anong klaseng damit dahil mabusisi itong tumitingin isa-isa.

Larawan mula sa post ni Janina Ulanday

“Para kanino po tay?” Ang tanong ni Janina kay Lolo. “Para sa babae.” simpleng tugon ni lolo. Sa muling pagtatanong ni Janina kung pang-regalo daw ba ito, ikinagulat ng netizen ang isinagot sa kanya ni lolo.

“Para sa misis ko. Maganda ba? Tingin mo magugustuhan ng babae ito? Hindi pala sayang yung tagal kong naghanap. Para kay misis to. Para may pang-alis siya. Salamat ha?” sambit ni Lolo sa netizen na itinaas ang naka-hanger na damit.

SURPRISE IS NOT ALWAYS ABOUT BRANDED AND EXPENSIVE THINGS."LALABO ANG MGA MATA AT HINDI KA NA MAKIKILALA PERO ANG…

Posted by Janina Ulanday on Wednesday, 8 January 2020

Akala ng netizen ay umalis na si lolo pero laking gulat niya nagpunta pa ito sa mga skirt section upang hanapan ng pares ang napili niyang damit para sa kanyang misis.

Humanga si Janina kay Lolo at ang mga netizens na nakakita nito ay humanga sa ginawa ni lolo. Wala sa edad ang pagmamahal. Kumulub0t man ang ating balat pero ang pusong nagmamahal nga daw ay hindi makakalimot.

Ang post na ito ay umabot na sa 87,000 reactions, 10,000 comments at 51,000 shares. May mga komento din ang mga netizens kung saan humanga sila kay lolo at sa misis niya.

Nawa’y humaba ang inyong buhay lolo at lola at isa kayo sa simbulo ng tunay na pagmamahal. Simbolo na hindi lahat ng mamahalin materyal ay simbolo ng pagmamahal. Wala sa edad at wala din sa pisikal.

Loading...