Dahil sa pagtitinda ng Ice Drop, Nakapagpatayo ng paupahan, kompyuter shop, tindahan at nakabili ng sasakyan

Loading...

Kapag ikaw ay may pangarap magiging determinado ka abutin ito sasamahan ng tiyaga, pagsisikap at diskarte. Sa panahon ngayon ang pagtatrabaho at sahod ay kinukulang pa sa pang-araw araw.

Maraming tao ang gusto umahon ang buhay sa kahirapan ngunit iilan lamang ang nakakaabot nito dahil ang iba ay hanggang sa pangarap na lang.

Ngunit walang ginagawa pero ang iba naman ay gumagawa ng paraan para makamit ang kanilang minimithi na pangarap na maiahon ang kanilang buhay.

Mula sa Peso Sense Saver Group, ibinahagi ni Emmanuel Jagmis ang kanyang nakamit sa buhay kung paano siya nagsimula hanggang sa magtagumpay.

Larawan mula sa post ni Emmanuel Jagmis

Gaya na lamang ng netizen na ito na si Emmanuel M Jagmis mula sa Palawan, gumagawa siya ng homemade IcedropĀ na mahigit tatlong dekada na daw simula noong inumpisahan niya ito.

Ayon kay Emmanuel, mabili daw ito sa mga bata at matanda. Ma-swerte rin daw si Emmanuel dahil tapat siya ng isang eskwelahan kung saan napakalaki ang naitutulong sa kanyang negosyo na ice drop.

Larawan mula sa post ni Emmanuel Jagmis

Ang kanyang kinikita sa ice drop ay pinundar din niya para sa ibang negosyo . Siya ay nakapag-ipon at sa awa ng Diyos siya ngayon ay nakapagpatayo ng Paupahan, Computer shop at tindahan kung saan ay kumikita din siya.

Share ko lng ang istorya ng aking homemade icedrop na mahigit tatlong dekada nang mabila sa mga bata dto sa lugar ko….

Posted by Emmanuel M Jagmis on Saturday, 16 November 2019

Isa din sa pangarap ni Emmanuel ang magkaroon ng sariling sasakyan, dahil sa kanyang determinasyon, sipag at tyaga ay nakamit niya ito at malaki ang pasasalamat sa Panginoon.

Maraming netizens ang humanga sa ginawang determinasyon at sipag ni Emmanuel upang makamit ang kanyang pangarap.

Hindi dahilan ang kahirapan para hindi mo maabot ang mga pangangailangan mo, pangarap mo at maiahon ang iyong buhay. Dahil kung ikaw ay may diskarte, sipag at tyaga ay walang imposible na makakamit mo ang gusto mo.

Nawa’y umusbong pa ang iyong negosyo Emmanuel at gabayan ka ng Panginoon sa tagumpay na iyong tinatahak ngayon.

 

Loading...