21 na taon nagtrabaho bilang OFW, Homeless na ngayon; Iniwan ng Pamilya matapos hindi makapagbigay ng pera

Loading...

Ang desisyon para maging overseas Filipino workers ay malaking tulong ang naibibigay sa pamilyang Pinoy. Ito ang nagiging daan para magkaroon ng mala­king suweldo, mayroong magandang kinabukasan ang mga anak, at maiahaon ang pamilya sa kahirapan.

Pero ang lahat ng pagsisikap ng OFW para sa pamilya ay may kapalit din na sakripisyo. Tulad ng naiiwan ang asawa, anak, magulang, at mga kapatid.

Kahit madali na rin magkaroon ng komunikasyon ngayon dahil sa Internet, hindi maiiwasan na napuputol din ang pag-uusap dahil sa pagkakalayo ng mag-asawa at pamilya.

Hindi lahat ay nagtatagumpay sa ibang bansa. Madalas ang ating mga OFW ay uuwing luhaan at tila baý lupaypay sa kakatrabaho ngunit di umaahon sa kahirapan.

Nagviral sa social media ang isang kwento nitong lalaki na ni-repost umano ng isang netizen na si Aileen Mariquit Sombise.

Ayon dito, isang lalaki raw ang palaboy-laboy na ngayon matapos ang 21 taong pagtatrabaho sa bansang Saudi Arabia.

Pinabayaan na raw ito ng kanyang pamilya matapos nilang malaman wala na itong kinikitang pera. Napagkakilanlan itong si Kuya Ramon. Ayon sa kaniya, maganda daw ang trabaho maging ang kita niya sa Saudi.

Sa tagal ng panahon ay hindi siya nakabuo ng sarili niyang pamilya sapagkat mas pinagtuunan niya ng pansin ang kaniyang tunay na pamilya.

Ika niya, napag-aral daw nito ang mga kapatid at mga pamangkin dahil sa ganda ng kita nito sa ibang bansa. Gayunman, noong Disyembre 2018 daw ay kinailangan na niyang umuwi sa bansa dahil sa isang karamdaman.

OFW ..Lessons hwag puro bigay ng bigay matuto tyong magtira para sa sarrili natin…Hindi habang malakas tayo at…

Posted by Aileen Mariquit Sombise on Thursday, 19 December 2019

Minarapat na nitong huminto sa trabaho at umuwi sa bansa kadahilanang nahirapan na raw magtrabaho si Kuya Ramon dahil sa panghihina at pananakit ng kanyang buong katawan.

Dahil din sa pag uwi niyang ito tila baý nag iba ang trato sa kaniya ng kaniyang mga kaanak noong siyaý hindi na makapagbigay ng pera.

Nasa 61 anyos siya ng magpalaboy-laboy na lamang. Sa Luneta raw matatagpuan ang kaawa-awang matanda at doon pansamantalang naninirahan. Ang dating marangyang si Kuya Ramon ay wala nang maayos na matulugan at wala na ring makain kung minsan.

Source: Facebook

Loading...