Tatay, kinagiliwan at nakuha ang puso ng mga netizens sa ginawa niya para sa anak na nagdiwang ng 7th birthday

Loading...

Ang pagmamahal ng isang tatay ay hindi matutumbasan ng kahit sino dahil bihira lang ngayon ang isang tatay na tumatayo bilang isang haligi ng tahanan.

Sa panahon ngayon ay bilang na lamang ang bumubuo sa pamilya na ama dahil madalas ang nanay na lang ang naiiwan at bumubuhay sa mga anak.

Gayun pa man, Sa post ng isang netizen na si Cyndel Jhoy may kaganapan na ang kanyang anak na nagdiriwang ng ika-pitong kaarawan tila nahihiya at paiyak.

Screenshot mula sa Bidyo ni Cyndel Jhoy | Facebook

 

Pero dahil ang tatay ay sobrang suporta sa anak lalo na sa ika-pitong kaarawan nito, ang sayaw nila na mag-ama ay itinuloy ng tatay na kinaaliwan naman talaga ng mga netizens at mga bisita nito.

May mga kanta na isinayaw ng tatay na tila siya ang may kaarawan pero nakakaantig ng pus0 dahil niyayakap pa din niya ang kanyang anak kahit na patuloy ang kanyang pagsasayaw at pawis na pawis na.

Sa bawat tugt0g ay maririnig mo ang mga bisita na sumisigaw at tumatawa dahil ang tatay ay alam lahat ng galaw sa kanta. Ang ikinatutuwa ng mga netizens ay tila nag-eenjoy ang tatay pero ang mukha ay walang ekspresyon para damayan din ang kanyang anak.

Narito ang kabuuan bidyo na kung saan maraming netizens ang natuwa;

-Happy birthday mahal Ihcoz ayy este baby Coleen … Hahahaha napaka lambot talaga sumayaw 👏👏👏👏 dinaig pako kung gumiling 👏👏👏👏Ps' yan tuloy after birthday nagkasakit sakit ka 😂😂 ginalingan mo naman kasi eePps' lahat gagawin mo para lang sa kaligayahan ng anak mo at ng lahat 👏👏👏👏👏I love you so much mahal Ihcoz Cabuhat

Posted by Cyndel Jhoy on Sunday, 5 January 2020

Umiyak ang bata dahil nahihiya at tila hindi sanay sa maraming tao kaya ang kanyang tatay ang bumuo sa kanyang kaarawan at nagdulot ito ng saya sa lahat ng mga bisita.

Ang post ni Cyndel Jhoy na bidyo ay umabot na sa 5,000 reactions at 971 shares dahil talaga naman mapapanood mo na may ngiti sa inyong labi.

 

Loading...
Tags: