Special na regalo ni Jimuel Pacquiao sa kanyang Ama, Mamahalin at walang katumbas na hinangaan ng mga netizens

Loading...

Ang pamilya Pacquiao ay kilala dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa dahil. Si Senator Manny Pacquiao ay isa sa nagbibigay ng karangalan sa ating bansa dahil sa kanyang talento sa boxing.

Kilala din ang pamilya na ito bilang isa sa pinakamayaman sa ating bansa at pagiging matulungin nito sa kapwa-pinoy.

Kamakailan lamang ay nagdiwang ng ika-41st birthday ang ating People’s Champ na si Senator Manny Pacquiao.

 

Ayon kay Jimuel gusto niya regaluhan ang kanyang ama dahil napakabuti nito sa kanila, ibinibigay lahat sa kanila, ginawa lahat ng kanilang ama para sa kanila kaya mahal na mahal niya ito ng sobra.

Makikita sa isang party na nilapitan ni Jimuel ang kanyang ama para ibigay ang kanyang regalo na ikinagulat ng kanyang Ama dahil wala naman itong sariling pera ngunit binibigyan siya ng regalo na sasakyan.

Ayon pa kay Jimuel, sa oras na yun ay pinalabas niya ang kanyang ama para ipakita ang mamahalin na regalo. Iniabot ni Jimuel ang susi ng sasakyan at ibinigay ito sa kanyang ama.

Ang regalo ni Jimuel ay ang sasakyan na ibinigay sa kanya ng kanyang Ama bilang pasasalamat. Ang pinaka-regalo talaga ni Jimuel ay isang mensahe para sa kanyang ama at ang susi ng sasakyan ay isang prank lamang.

“Guys, wala akong pera pambili ng regalong car. Pero if I had the money, I would give everything to my dad kasi he did everything for us and I love him so much.” ang sabi na sweet na mensahe para sa kanyang ama bilang isang regalo na hindi matutumbasan.

Niliwanag din ni Jimuel na wala siyang pambili na ganung sasakyan. Si Jimuel ay nagsisimula na din mag-vlog at siya ay may sariling Youtube Channel at ang kanyang kapatid na si Mary.

Makikita din sa kanilang Youtube Channel ang mga kaganapan sa kanilang buhay na matagal na din gusto makita ng mga netizens kung anong buhay ang mayroon sa Pamilya Pacquiao.

Loading...