OFW, tagpi-tagpi na bahay naipaayos sa loob ng dalawang taon, Sekreto ibinahagi

Loading...

Hindi maiiwasan talaga ng ibang Pinoy ang magtrabaho patungo sa ibang bansa dahil minsan ang kanilang sweldo dito sa Pilipinas ay kulang pa lalo na sa taas ng bilihin at gastusin.

Isa ang Pilipinas na marami nagtatrabaho abroad kaya ang mga OFW ay nagkalat sa iba’t ibang bahagi ng lugar.

Maituturing din natin na bayani sila dahil sila ay nakikipagsapalaran sa buhay at minsan ay hindi alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanila.

Mula sa PESO SENSE SAVER GROUP, naging inspirasyon din nila ang group na ito at ang PESO SENSE Facebook page kung saan ibinabahagi ng grupo na ito ang tungkol sa pagtitipid at mga OFW. Kaya marami sila natutulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo at tips.

Gaya na lamang ng netizen na ito na nagbahagi ng kanyang kwento na si Ginalyn Junkurt, Siya ay nagtatrabaho sa Hongkong isang OFW na nakipagsapalaran. Nagmula siya sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ang kanilang bahay noon ay binagyo kaya nasira ang bubong at bawat bahagi ng kanilang bahay. Sa loob ng dalawang taon niya sa Hongkong ay pinilit niya maisaayos ang kanilang bahay.

Ayon sa kanya, ang mga tubig ay pumapasok na sa kanilang bubong at hindi na pumapasok ang sikat ng araw. Hanggang ngayon ay patuloy pa din siya nagtatrabaho para matapos ang pinapatayong bahay.

Ang sekreto niya kaya nagtagumpay sya ay dahil sa pagtitipid, matupad ang pangarap at habang nag-iipon sinasamahan niya ito ng sipag at tyaga nilang mag-asawa. Dug0 at pawis ang kanilang puhunan para maipundar ang kanilang bahay.

Ang kanilang inspirasyon ay ang kanilang anak para matupad nila ang pangarap nila na maayos na tirahan para pag-uwi nila ng Pilipinas ay may maayos na sila na tirahan at hindi na masira pa kapag bumagyo ulit.

Nasa tao talaga ang kung aangat ka o hindi. Kung ikaw ay magiging tamad at aasa sa mangyayari, hindi ka magtatagumpay pero kung ikaw ay determinado maabot ang inyong pangarap ay walang imposible.

Maraming netizens ang humanga kay Ginalyn at sa kanyang asawa na naging inspirasyon sa ibang OFW. Ngayon ang kanyang post ay humakot sa 5,000 reactions.

Loading...