Mister nagbigay ng TIPS kung paano maging Happy si Misis sa paglalaba, Viral

Loading...

Ang Ina ay nasa kataga na ilaw ng ating tahanan. Kung walang ilaw ay madilim at wala tayong makikita at ibig sabihin nito, ang ating Ina ang magbibigay ng ating landas.

Ang ating ina ang maaari magmulat sa ating buhay at gagabay hanggang tayo ay lumaki. Ang sabi nga din sa mga kataga, ‘matitiis ng anak ang ina, pero ang ina ay hindi kailanman man matitiis ang mga anak’

Makikita din natin sa araw-araw na hindi sila kontento na hindi kumilos o gumalaw araw-araw. Kung inyong mamasdan ang ating ina ay napapagod din sa araw-araw dahil walang oras ang kanilang trabaho at tanging pahinga lamang nila ay sa gabi matulog.

Gayunpaman, may isang Mister na may pangalan na Marvien Cascato ay nag-trending online dahil sa kanyang post tungkol sa pagbibigay ng kasiyahan sa Misis at siya nagbigay ng payo o tips para sa kapwa niya tatay upang mapasaya ang kani-kanilang asawa.

Ayon sa Mister, ‘Hindi daw biro ang maglaba ng damit na dapat ay maisip daw ng ibang mga asawang lalaki na tirhan man lang nang kahit kaunting barya sa bulsa nila para sa bawat paglaba nila ay ma-sorpresa at makabili na pang snack’.

Pls lang' tayong mga husband kunting pag unawa naman sa asawa natin hindi biro ang maglaba kaya dapat ma isip nyo naman…

Posted by Marvien Cascato on Tuesday, 13 August 2019

Maraming netizens angĀ  humanga kay Marvien at ilan kalalakihan din ay nagkaroon ng ideya kung paano mapapasaya ang kanilang asawa kahit sa simpleng paraan.

Sa simpleng paglalagay ng kaunting pera sa kanilang bulsa ay malaking bagay na iyon para kay Misis para mapunan ang pagod sa araw-araw na ginagawa nito sa bahay at pag-aasikaso sa asawa at mga anak.

Ang post ni Marvien ay umabot sa 27,000 reaksyon, 21,000 na komento mula sa mga netizens at 61,000 na shares dahil maraming netizens ang naka-relate dito.

Loading...