Lumakad ng napakalayo si Lola para makuha ang kanyang sampung piso, Netizens naiyak

Loading...

Isa talaga sa nakadudurog ng puso ang makita natin ang isang may edad na at nagtatrabaho lalo na ang mga Lola. Sa panahon ngayon ay bilang na lang sa mga Senior Citizen ang hindi nagtatrabaho.

Pero iba ito si Lola na nag-viral sa social media dahil sa halagang P10 (sampung piso) na napakaliit na halaga para sa karamihan ay napakalaki na para kay Lola.

Sa isang video mula sa netizen na ini-upload ng Facebook user na nagngangalan na si Val Santos Matubang, nakita niya at nakasalubong niya ang isang matandang babae na naglalakad sa malawak na kalsada at kanyang kinausap.

Screenshot mula sa Bidyo ni Val Santos Matubang | Facebook

Habang kinakausap ni Val si Lola, maraming netizen ang nakapanood na tila kukurutin ang puso talaga at hindi maiiwasan maluha.

Ayon kay Lola, papunta daw si Lola sa kanyang kapatid para kuhain ang kanyang sampung piso at naglakad ito ng napakalayo. Hindi na din niya matandaan ang kaarawan kaya ang kanyang edad ay hindi na din maalala at apat ang kanyang anak na may mga asawa na.

Screenshot mula sa Bidyo ni Val Santos Matubang | Facebook

Nagbigay tulong si Val sa matanda at ibinigay niya lahat ng kanyang pera para sa tulong sa matanda. Hindi na rin ito makapaglakad ng maayos at makikita na hirap na din magsalita si Lola.

Labis na nagpapasalamat si Lola kay Val sa ibinigay na tulong at sa kabutihan na ipinakita sa kanya. Imbis na pumunta pa sa kanyang kapatid na napakalayo ng bahay, minaigi ni Val na pauwiin na lamang si Lola dahil hirap na din ito sa kanyang kalagayan.

GAANO KAHALAGA ANG SAMPONG PISO SAYO? PARA KAY LOLA SOBRANG MAHALAGA KAHIT GAANO KALAYO.Val Santos MatubangKuya VAL 09291132469

Posted by Val Santos Matubang on Wednesday, 1 January 2020

Maraming netizens ang gustong mag-abot ng tulong para kay Lola na talaga naman hindi mapigilan ang luha at kurot sa kanilang puso habang pinapanood ang bidyo na ipin0st ng netizen na si Val.

Kung anuman ang pinagdadaanan ni Lola, ang importante ay may isang taong may mabuti ang loob na tinulungan si Lola lalo na nalaman pa nito ang kalagayan ng matanda.

 

Loading...