Judy Ann Santos, ibinihagi kung paano niya ipinagtapat sa anak na si Yohan at dahilan kung bakit niya ito ipinaalam ng maaga

Loading...

Isa sa kilalang Aktres sa showbiz industry si Judy Ann Santos dahil sa galing at talento nito sa pag-arte. Marami na rin siya naiambag na pelikulang Pilipino na talaga naman tinatangkilik.

Nitong nakaraan lamang ay umabot na sa 1 million subscriber na ang kanyang Youtube Channel na Judy Ann’s Kitchen.

At dahil din open book  sa publiko ang kaniyang buhay at sa pamilya ay nasusubaybayan ang kanilang araw-araw na ginagawa ang nangyayari sa kanila dahil ibinabahagi talaga ni Juday ang kanilang buhay para sa mga taga-hanga.

Happy Family Agoncillo

Larawan mula sa Opisyal na Instagram ni @officialjuday

Alam naman ng lahat na bago pa sila naging mag-asawa ni Ryan Agoncillo ay kasama na ni Judy Ann ang kanyang adopted daughter na si Yohan.

Sa isang interview sa Push, napag-usapan kung paano nga ba naipagtapat at nasabi ni Judy Ann kay Yohan tungkol sa Adoption.

“Early on pa lang naman nung relationship namin ni Yohan, nung kaming dalawa pa lang, alam ko nang nakaka-intindi na siya, sinabi ko na sa kaniya, pinaintindi ko sa kanya. I explained to her. Kasi ayoko na magkaroon siya ng grudgena itinago ko sa kaniya.” salaysay ni Judy Ann.

Larawan mula sa Opisyal na Instagram ni @officialjuday

Nag-umpisa daw ito noon nakita ni Juday ang kanyang ipad at tinignan ang history. Nag-search daw si Yohan tungkol sa kanyang pangalan at dun nakita lahat ni Yohan. Sa pag-search daw ni Yohan ay maraming lumabas at dun niya nalaman at nagtanong na sa kanyang mommy Juday.

Ayon pa kay Juday, ang ikinakatakot lang niya ay may ibang tao na nagmamarunong at mag-atrabida na sabihin na hindi sa magandang paraan at magiging iba ang dating sa bata. Kaya minabuti ni Juday sa mga tao na yun na ipagpasa-Diyos na lamang at si Lord ang bahala sa mga taong mapanghusga.

Ngayon si Yohan ay nasa edad 14 years old, kaya mas napag-uusapan na nila ng maayos ayon kay Juday. “Napapag-usapan na namin nang maayos at nang komportable na sa kaniya, naipatindi ko na sa kaniya na being adopted is not a bad thing’ it is actually the most beautiful word in the world. Simple because, I adopt you because I want you to be my family. I chose you.” dagdag pa ni Juday.

Larawan mula sa Opisyal na Instagram ni @officialjuday

Sinabi din ni Juday na nauna si Yohan bago pa man dumating si Ryan bilang kanyang daddy. Ang sabi niya mas nauna siya naging Nanay bago maging Wife na ipinaintindi ni Juday kay Yohan. Noong una ay hindi pa daw makuha ni Yohan ang pinupunt0 ng kanyang Ina pero eventually naintindihan na din daw niya.

Ngayon ang pamilya Agoncillo ay makikita sa kanilang buhay na sila ay masaya at umaarangkada din ang kanilang Youtube Channel na Judy Ann’s Kitchen. Isa ang pamilya Agoncillo na hinahangaan din ng ibang netizens dahil sa maayos na pagpapalaki sa mga anak at bilang magandang ehemplo bilang magulang sila Judy Ann at Ryan Agoncillo.

Loading...