Sibuyas na pula umabot na sa P280 per kilo sa ibang pamilihan at palengke

Loading...

Nagsimula ang sili na tumaas bago matapos ang taon na 2019 na umabot sa 500 pesos to 1,000 pesos kaya maraming mga Pinoy ang iba’t iba ang reaksyon.

Ngayon naman, ang Sibuyas na pula naman ay ang isa sa biglang taas ngayon na pumalo na sa 280 pesos pero kilo na.

Kaya tumaas bigla ang presyo ng sibuyas ay dahil sa kulang sa produksyon, supply at off-season ngayo kaya minumungkahi ng Deparment of Agriculture, mag-angkat muna mula sa ibang bansa.

Image Courtesy via Google

Ayon sa mga netizens, ang presyo ng pulang sibuyas ngayon ay mas mataas pa sa presyo ng mga Karne tulad ng manok at baboy.

Sa price watch list ng ng DA Department of Agriculture, nasa P200 per kilo ang presyo ng sibuyas na pula sa Metro Manila na mas mataas pa sa presyo sa Karne ng manok at baboy. Ngunit, sa Munoz Quezon City ay umaabot na ito sa P280 per kilo.

Ayon sa isang netizen na mamimili, isa sa nagpapalasa sa ulam o niluluto ang sibuyas,  hindi ito madaling masira at isa na ito sa nakasanayan ng mga Pinoy na isama sa paluluto, sawsawan at pang-gisa.

Image Courtesy via Google

Sa mga nagbebenta naman ay puting sibuyas na lang ang kanilang binebenta dahil mas mura ito at nasa P80 lamang ang presyo  pero ayon sa ibang netizen ay mas malasa pa din daw ang pulang sibuyas kaysa dito.

Kulang ang supply na imported na sibuyas sa ating bansa dahil ang produksyon sa ibang bansa ay kulang na kulang din tulad sa India.

Mula sa pahayag ni Rosendo So ng SINAG (Samahan ng Industriya ng Agrikultura), nasira ang ating pananim dahil sa malakas na pag-ulan noong Oktubre. Sa india ay nagkaroon din ng problema kaya kulang na kulang din sa supply.

Image Courtesy via Google

Sa darating na Marso pa ang inaasaha na ani mula sa mga taniman ngayon kaya mas minaigi muna na mag-angkat ang DA sa China parasa buwan ng Enero at Pebrero na aabot sa 35,000 metric tons. Gumagawa na din ng paraan ang DA para madagdagan ang mga taniman ng sibuyas na pula sa Visayaz at Mindanao.

Dahil sa mga aksyon na ito, inaasahan ng Department of Agriculture na manunumbalik sa isang linggo sa dating presyo P100 per kilo ang pulang sibuyas.

Maraming netizens na umaasa na bababa ulit ang presyo ng pulang sibuyas lalo na nakasanayan na nila ito at isa din ito sa ginagamit ng mga nagtitinda at pagluluto sa mga kainan.

 

 

 

 

 

Loading...