Gayuma Sa Quiapo, Dinagsa Lalo Ngayong Malapit Na Ang Pebrero

Loading...

Tunay ngang kay bilis ng paglipas ng panahon. Parang noong nakaraan lang ay Pasko, at Bagong Taon. Kaunting tulog na lamang ay buwan na ng Pebrero na kung saan isa sa mga inaabangan ng mga mag kakasintahan ang buwan ng mga puso ng mga magkasintahan, magkaibigan at maging pamilya.

Nakakainggit nga naman ang mga may mga katuwang na sa buhay, masaya at nahanap na ang true love. Ikaw? Sawa ka na bang mag intay?

Nasa Quiapo lang naman ang sagot na baka sakaling maging epektibo pag sinubukan mo. Naniniwala ka ba sa gayuma o Love spell kung tawagin?

Larawan mula sa Google

Mayroon daw chemistry ang mga ito ngunit hindi scientific. Ito lang naman ang mga konsepto ng tinatawag na gayuma na tinitimpla at dinadasalan ng di umanoý mga manghuhula at babaeng shaman.

Folk mysticism ang bansag ng ibang tao dito. Sa iba, isa daw itong uri ng black magic. Dahil na rin daw sa karaniwang mga manghuhula ang nagbebenta nito.

Negosyo kung ito ay maituturing. Maaaring ang iba ay “donasyon”lang ang hinihingi, gayun pa man ay pinag kakakitaan nila ito. Magkakatabi ang mga nagbebenta ng love potion sa Quiapo sa tabi ng simbahan.

Larawan mula sa Google

Nangangailangan din daw ito ng panata at matinding paniniwala ng mga nanggagayuma para lubos ang epekto nito. Madalas ay sinasamahan din ito ng dasal o orasyon na kailangang bigkasin para din makuha ang hinahangad na pag ibig.

Nasa sa iyo na lamang ang magiging desisyon. Pero sa pag-ibig, walang gayuma, magic o potion na kailangan, dahil ang tunay na pag-ibig ay mararamdaman mo na lang ng hindi mo napapansin at nalalaman. Magugulat ka na lang ikaw pala ay nagkakagusto na o nagmamahal na.

Loading...