Netizen, umapela sa kanyang inorder na tosil0g dahil kasing liit ng gummy worms ang hiwa ng karne

Loading...

Bahagi na sa kuluturang Pilipino ang masarap at nakakabusog na iba’t ibang klase na almusal. Pumapatok din sa almusal ang lugaw, goto, pares at ang mga silog kung tawagin.

Ang mga silog ay kombinasyon ng sinangag at prit0ng itlog kung saan ay maaari nila parisan ng tinapa, t0cino, longganisa, tapa, porkchop, chicken at iba pa.

Bagamat til may isang netizen ang hindi natuwa sa kanyang silog meal  dahil sa liit ng hiwa ng kanyang karne na kung tawagin ay tocino na inihain sa kanya.

Larawan mula kay Filman Ferrer | Facebook

Ibinahagi ng netizen na si Filman Ferrer ang larawan ng kanyang order na Silog kung saan ay makikita ang kanyang order na tocino, sinangag at itlog (tosilog) kung saan ay makikita niya na tila gummy worms ang itsura dahil sa liit ng hiwa nito.

Makikita sa larawan ang isang malaking plato ang maliliit na hiwa ng karne, isang kanin at kalahating itlog. Okay naman ang serving ng kanin at itlog na normal na kasama sa silog meal, Pero laking gulat ni Ferrer nang makita ang maliit na hiwa ng tocino sa kanyang tosilog na hindi nya alam kung tatawa o maiinis.

Image Credit: Albanese Candy

“Ate sabi ko TOSILOG po, hindi GUMMY WORMS.” sambit ni Ferrer sa kanyang post. kung titignan nga naman, mukha talagang mapagkakamalan gummy worms o isang uri na kendy na pahaba at malambot kapag kinagat.

Ate sabi ko TOSILOG po hindi GUMMYWORMS 😅😂

Posted by Filman Ferrer on Wednesday, 1 January 2020

Sa post na ito ni Ferrer ay nag-viral ito sa social media isang araw matapos niya ibahagi ang larawan na ito. Umani na ito sa 18,000 reactions at 26,000 shares sa Facebook.

Iba-iba ang reaksyon ng mga netizen sa post ni Filman Ferrer. May ilang tawang-tawa rin sa karanasan na ito at nararanasan din daw nila at sinabi rin may mga tindahan talaga na ganyan na lang kaliit ang mga karne dahil sa mahal ang bilihin. May ilan din mga netizen na pinagtanggol ang nasabing silugan at baka naman nasa bentel0g lang ang kanyang order kaya ganoon ang serving.

Isa sa nag-komento din ang may-ari ng silugan sa kanyang kinainan. Sabi ni Hazel Hazel, hindi raw basta tocin0 ang kanilang ginagamit sa kanilang kainan, kilala itong may tatak kaya ganoon lamang ang serving. Mura lang din daw nila itong ipinagbibili sa halagang 45 pesos ay may kanin, itlog at tocino.

Nag-iwan din ng mensahe at paalala si Hazel sa mga bumabatikos sa kanilang tosilog. Sabi nya, alamin daw muna sana ng ibang netizens ang halaga ng mga bilihin kung gaano ba ito kamahal bago sila maliitin. Bandang huli, welcome pa rin naman daw ang mga netizens na gustong kumain sa kanilang kainan.

 

 

Loading...