Lalaki Nakapag-Ipon mahigit 200 thousand pesos matapos iwasan ang Yosi at iba pang bisyo

Loading...

Ang pag-iipon ay depende sa tao kung ito ba ay makakayanan o magiging marup0k dahil ang mga bisyo ay nasa paligid lang.

Isang pagsubok din ang pag-iipon dahil dito dapat ay masusukatan ang iyong determinasyon at pasensya dahil kapag ikaw ay nagipit maaari mo buksan ito kahit anuman oras.

Isa din sa mahalaga ang pag-iwas sa bisyo tulad ng alak at yosi. Marami rin sa paligid ang mga pagkain na maaari natin mabili kapag tayo ay nagutom o kapag natakam sa gusto natin pagkain.

Katulad na lang ng isang post na netizen na ito na si Christian Luste Abila. Matapos ang kanyang Iwas-Alak Ipon Challenge, May isinagawa din siyang Iwas Yosi Ipon Challenge at binuksan niya ito nitong Disyembre lang.

Larawan mula kay Christian Luste Abila

Hindi sukat akalain ni Abila na makakaipon siya ng ganito kalaki, at kagandahan pa noon ay naiwasan pa niya ang kanyang bisyo at bubuti pa ang kanyang kalusugan. Naging inspirasyon din niya ang PESO SENSE, isang Facebook page. Dito siya nakakuha ng tips para makapag-ipon at proud siya sa kanyang nagawa na misy0n.

YOSI IPON CHALLENGE – pangalawa ito sa ALAK IPON CHALLENGE na binuksan natin noong february 22, 2019! Marahil sa iba ay…

Posted by Christian Luste Abila on Friday, 10 May 2019

Ayon kay Abila sa kanyang post, YOSI IPON CHALLENGE – pangalawa ito sa ALAK IPON CHALLENGE na binuksan natin noong february 22, 2019! Marahil sa iba ay maliit na halaga lang ito. Pero gusto ko lang e emphasize na para sakin ay napakahalaga nito dahil YOSI ipon challenge ang naging motivation ko para matigil ko nga yun mga walang kwentang bad habbits ko dati tulad ng pag inom at paninigarilyo! Hindi naman mahirap ang pag iipon nagiging mahirap lang ito kung wala kang dedikasyon. at ang dedikasyon nga natin ay maging inspirasyon ng maraming kabataang pilipino na lulong na sa masasamang bisyo na talga namang masama sa kalusugan na dapat nating pangalagaan dahil ang kalusugan ay isa sa pinaka importante sa lahat dahil dito matutulungan tayong abutin ang pangarap dahil may sapat tayong lakas upang lumaban sa bawat hamon ng buhay! #magandangHugot

Isang malaking pagsubok, challenge at motivation daw niya ay ang matigil niyang walang kwentang bisyo tulad ng pag-inom at paninigarily0.

Larawan mula kay Christan Luste Abila

Ayon din sa kanya ay hindi naman daw mahirap mag-ipon basta may dedikasyon sa sarili at inspirasyon ng maraming kabataang Pilipino na nalululong sa masamang bisy0 na masama sa kalusugan. Isa din itong importanteng paalala para maabot din ang pangarap at hamon sa buhay.

Ikaw kaya mo bang iwasan ang iyong bisy0 at mag-ipon tulad ni Abila? Isa itong magandang pagsub0k na talagang isang inspirasyon sa nakararami.

Loading...