Babaeng Nakaiwan Ng Pera Sa Jeep, Tinulungan Ng Isang Traffic Enforcer

Loading...

Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging malikhain, mapagmahal at lalo ang pagiging matulungin sa ating kapwa Pilipino maging sa mga ibang lahi. Sa oras ng kagipitan lalo na sa mga nangangailangan, palagi tayo nandyan. Kapamilya o hindi basta humingi ng tulong, marami ang bukasl sa loob ang mag nanais na tumulong sa kapwa na naagrabyado o naloko. Lalong lalo na sa pampublikong lugar na kung saan samut sari ang mga tao.

Kamakailan lang ay may isang babae sa Timog, Quezon City ang nakaiwan daw ng mahigit 10,000 pesos sa isang jeep na kaniyang nasakyan.

Larawan mula kay Andrew Sufrir via GMA Facebook Page

Nanlumo ang babae na halos mangiyak ngiyak na sa kaniyang pinagdadaanan at pinoproblema. Hindi na niya malaman ang kaniyang gagawin sa sobrang taranta. Nasaktuhan namang mayroong isang traffic enforcer ang nakaassign sa lugar kung saan bumaba ang ginang at napag alaman niya nga ang problemang naiwan nito ang kaniyang pera sa isang pampasaherong jeep na kaniyang sinakyan.

Larawan mula kay Andrew Sufrir via GMA Facebook Page

Si Rasmik Ozalo ang naturang traffic enforcer na may motor na tumulong sa babae. Agad agad niyang hinabol ang pampasaherong jeep na kung saan naiwan ng babae ang kaniyang pera. Mabuti na lang at mabagal ang takbo ng jeep at nagkataong nag hihintay pa ito ng ibang sakay na pasahero.

Larawan mula kay Andrew Sufrir via GMA Facebook Page

Maswerte at hindi pa nakukuha ang nasabing pera ng ginang. Naibalik agad ang pera sa babae na mahigit 10,000 pesos para daw iyon sa operasyon ng kaniyang ina. Lubos lubos ang pasasalamat ng ginang na ito sap ag reponde agad ng may mabuting puso na si Ramsik.

Hinangaan at pinuri ang kabutihang ginawa ni Ramsik. Nasa dugo nga naman ng pagiging Pilipino ang ganitong mga Gawain.

Loading...