Netizens namangha sa litrato na 1950 na kalendaryo: Sa loob ng 69 years ay naitago pa ito

Loading...

Sa panahon ngayon ay tumitingin na lang ang mga ibang tao sa kanilang gadgets kung anong araw at taon na ngayon. Dati ay halos taon-taon ay bumibili ang mga tao ng kalendaryo at ang iba pa ay ipinasasadya pa na may Apilido nila. Sa panahon din ngayon ay hindi na makikita ang kalendaryo sa loob ng ating bahay dahil madalas ay isang digital na lang ang ating makikita.

Gayun pa man, Maraming netizens ang namangha sa litrato na nasa 69 years na ang tanda. Hindi araw-araw ay makakakita tayo ng kalendaryo na lagpas na daantaon simula matapos natin gamitin.

Image Credit: Facebook

Namangha ang karamihan sa 1950 calendar na ibinahagi ng isang Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon. Bukod sa simple, maayos at malinis ang itsura, namangha rin ang mga netizens dahil may taong nakapagtabi pa nito samantalang ilan taon na ang lumipas dahil maaari itapon na din ito ng iba lalo na wala naman gamit ito kapag natapos na ang taon.

Maraming netizens ang nagbalik tanaw simula nakita ang kalendaryo na ito.

 

“Naalala ko pa noon, nakikinood lang kami ng Tv sa kapitbahay. Kapag may TV ka, mayamang ka na.”

“Wow nakakatuwa talaga makakita ng mga lumang bagay. At sa panahon na yan ako ay 14 years old pa lang ang Nanay ko at 1950 rinĀ  nang ma-recruit ang father ko sa Philippine Army.”

One year old pa lang ako niyan! Ngayon ay 71 years old na ako. So 70 years old na pala yan? Hanga ako sa nakapagtabi pa niyan. Usually kasi itinatapon na after a year.”

Image via 123rf.com

May mga nakapansin na rin na magkapreho ang January 1950 at ang kasalukuyan nating panahon na ngayon ay December 2019. Marami ang nagtatanong kung bakit mayroon ang may-ari nito at napapaisip kung anong mayroon sa January 1950 kung bakit sa dami ng taon ay hindi nito naitapon o sadyang hindi lamang ito napansin na naitabi pala.

 

 

Loading...