No Read, No Write: Ina na Nag-enroll para balik pag-aaral naging kaklase ang Grade 1 na Anak

Loading...

Ang pag-aaral ay wala sa edad at itsura. Lahat tayo ay maaari mag-aral lalo na kung may pangarap at may inaasam na magandang buhay para sa pamilya. Hindi rin huli ang lahat upang simulan ang pag-abot mo sa iyong pangarap kahit anong edad ka pa. Hangga’t may pagkakataon ay dapat mo itong sunggaban dahil malay natin ang pag-sunggab natin ay daan para sa ating pag-asenso.

Gaya na lamang nito, Isang ina na taga Marinduque, “No read, No Write”. Siya si Nanay Monalisa ang nagpahanga sa mga netizens at sa kanilang lugar dahil sa kanyang determinasyon na matuto at makapag-aral kahit na pa siya ay may edad na.

Larawan mula kay Darwin Pilar

Sa kanyang edad ay hindi siya marunong magbasa o sumulat o kahit intindihin ang mga simpleng salita na mababasa niya sa kanyang paligid.

Ni hindi rin niya alam kung paano isulat ang kanyang buong pangalan at wala siyang ideya kung ilan taon na siya dahil hindi rin niya alam ang taon ng kanyang kapanganakan.

Hindi siya nakapag-aral noong bata siya dahil minabuti ng kanyang magulang na sa bahay na lamang siya dahil sa pagkakaroon ng p0li0 at hindi makapaglakad.

Nang malaman ng isang guro na si Darwin Pilar ang naging sitwasyon ni Nanay Monalisa ay agad niyang binigyan ito ng lakas ng loob upang makapag-enroll para makapag-aral. Sa kagandahan palad, ang asawa ni Nanay Monalisa ay suportad0 siya sa kanyang pag-aaral.

Larawan mula kay Darwin Pilar

Ang ilan ay iniisip na nakakahiya o nahihiya kung sila ay mag-aaral muli dahil sa kanilang estado at edad, Pero iba ang determinasyon ni Nanay Monalisa dahil gusto niyang matuto at mag-aral lalo na’t kaklase ang kanyang anak sa Grade 1 na si Norelyn.

Larawan mula kay Darwin Pilar

Masaya naman ang kanyang anak dahil araw-araw silang magkasama ng kanyang ina lalo na’t sabay silang nag-aaral, natututo at dagdag kaalaman sa eskwelahan. Kung nahihirapan man si Nanay Monalisa sa pagsusulat at sa kanilang leksyon ay handa pa rin siyang tulungan ng kanyang anak.

Dumagsa rin ang mga tulong para sa kanila simula mag-viral ang post ni Mr. Pilar sa social media at personal na ibinigay sa kanila ang tulong at sa kanilang paaralan sa Tarug Elementary School sa Mogpog, Marinduque.

Marami ang humanga kay Nanay Monalisa at na-inspire din ang karamihan dahil sa determinasyon at pangarap ni Nanay.

Loading...