Ma-swerteng lalaki nakakuha ng isang mamahalin na Perlas mula sa pagkain ng Talaba

Loading...

Karamihan naman sa atin ay alam na ang Perlas ay isa sa mahirap hanapin dahil sa dami ng perlas sa mundo kaya naman ang halaga nito ay may kamahalan. Subalit, Isang lalaki mula sa Iloilo ang kumain lamang sa restaurant ng talaba ay ma-swerte pang nakatagpo ng perlas, pero buti na lamang at hindi niya ito nakain at nalunok.

Image via Google

Sa isang episode sa palabas na Kapuso Mo, Jessica Soho ay na-featured ang ma-swerteng lalaki na si Raoul na habang siya ay kumakain sa isang seafood restaurant ay nakagat ang tila hugis na ngipin na perlas na mula sa kinakain na inihaw na talaba.

Image via Google

Akala niya noong una ay natanggalan lamang siya ng isang ngipin, ngunit noong sinuring mabuti ay sinabi ng kanyang mga kasama na baka raw ito ay isang uri ng perlas. Noong siya ay umuwi ipinakita niya ito sa kanyang asawa.

Ayon sa supervisor ng restaurant na kanilang kinainan ay mayroong pagkakataon na natatagpuan na mga foreign objects sa mga talaba na kanilang inoorder sa isang farm sa Aklan. Bagamat sa nangyari kay Raoul ay ngayon pa lamang raw ito naranasan sa tagal na panahon ng kanilang restaurant.

Image Credit: Google

Nang ipinasuri ito ni Raoul sa kanyang kalapit na kamag-anak na si Flord Calawag na isang licensed Fisheries Tecnologist ay base sa kanyang karanasan sa pagsusuri sa perlas ay totoong perlas raw ang hawak ni Raoul. Ngunit, sa unang pagkakataon ay ngayon pa lang siya makakakita ng perlas mula sa talaba at iba ang hugis dahil madalas ang perlas ay hugis bilog o spherical.

Nalaman na mayroon itong calcium carbonate na nagpapatunay na ang nakuha ni Raoul ay isa ngang totoong perlas.

Ang mga natural na perlas na katulad nito ay nagkakalahaga ng 20,000 pesos hanggang 30,000 pesos.

 

Loading...