Isang nakakalungkot na Mensahe na nakasulat sa Tissue na iniwan ng isang Customer na kumuha sa antensyon ng mga Trabahad0r

Loading...

Isa itong fast food na ito ay sikat na sikat talaga lalo na sa mga bata. Hindi maaari hindi makikilala ito ng mga bata dahil kasama na din nila ito paglaki at aminin man natin o sa hindi, Isa ito sa pinupuntahan natin. Isa itong sikat na fastfood chain sa Pilipinas dahil talagang pinipilahan dahil hindi lang ang mga bata ang may paborito kay Jollibee kundi ang mga maging matatanda din.

Madalas ginagawa na din itong tambayan ng mga estudyante at dito kumakain. Tuwing weekend ay marami din nagpupunta dito dahil maraming iba’t ibang klase ang pwede orderin.

Ngunit, sa sikat na tagline nila na “Bida ang saya” ay tila isang nakakalungkot na mensahe ang bumulaga sa mga crew na isang pamamaalam galing sa isang customer.

Nagsimula sa ordinaryong araw ang isang branch ng popular fast food chain sa Taguig City. Sa araw-araw din naglilinis ng mga crew, Isang babaeng customer ang nagpaantig sa kanilang puso hindi lamang sa mga crew pati natin sa mga netizens.

Image via Google

Ibinihagi ng Jollibee crew na si Mark Noguera sa kanyang social media account ang pangyayaring kanyang natuklasan. Nakakita sila ng isang tissue paper na may note na nakalagay ang iniwan ng isang customer na kanilang pinagdalahan ng pagkain bandang 3pm sa Jollibee Signal Village Branch sa Taguig.

Sambit ni Mark, Isang babaeng nasa edad na 20 taong gulang ang umupo sa isang bakanteng table. Pagkatapos kumain ng babae ay pumunta na ang isang crew para linisin ang table ngunit natagpuan ang mensahe na sadyang iniwan para kay Jollibee.

Narito ang kanyang mensahe:

“Huling Jollibee ko na to :). Pinagbawalan na akong kumain ng unhealthy foods ng doctor ko. Na-diagnosed kasi ako ng C—-R Stage 2 sana gumaling agad ako para di ko masyadong mamiss ang pagkain dito. Thank you Jollibee sa uulitin :)”

Nalungkot sila Mark at mga kasamahan nyang ibang crew pagkatapos nila mabasa ito. Nagkaron ng kurot sa kanilang puso ang iniwan na mensahe ng hindi nakilalang babae.

Sa post ni Mark, ipinost niya ang larawan ng mensahe at may caption na:

“To ate customer na nakasalamin na nasa 20+ pa lang yung age at kumain kanina sa Jollibee Signal Village around 3pm kanina, I recognize your face kasi ako po yung nagserve ng pagkain nyo, lahat po ng sakit gumagaling pray lang po tayo ng pray kay God kasi siya yung Great Healer of all. Malalagpasan niyo po yan at gagaling kayo claim it po. On behalf of my JBSV family, ipapanalangin po namin ang agaran niyong pag galing and we wanne give you warm hugs if possible.”

Loading...