Viral: Sobrang Tuwa at Kinagiliwan ng mga Netizens ang ginawang cover ng mga Teacher na “Ikaw at Ako” na talagang ikakatuwa ninyo

Loading...

Marami ngayon ang gumagawa na ng kani-kanilang mga cover sa pagkanta o pagsayaw. Lumalabas talaga ang talento ng mga tao dahil sa mga likha na pag-cover sa sayaw o maging sa kanta. Marami din pinoy ngayon ang gumagawa ng mga sariling cover at ang iba naman ay talagan kinatutuwaan ng mga netizens.

Isa na dito ang ginawang cover ng mga Teacher na “Ikaw at Ako” ni Moira Dela Torre na sadyang kinagiliwan ng mga netizens dahil ang iba ay relate talaga at ang iba naman ay talagang napasaya at napangiti nila hanggang matapos ang kanilang cover.

Image Credit: Mariflor Arandia Escala

Sa  post na video ni Teacher Mariflor Arandia Escala ay mapapanood sila na seryoso dahil ang kanilang kanta ay talagang tagos sa puso. Sobrang lamig at ganda ng boses na talagang ang mga manonood ay seryoso din. Ramdam na ramdam ng mga netizens ang pag-awit ng mga guro dahil tagos din sa puso ang kanilang pagkanta.

Photo Credit: Mariflor Arandia Escala

Matapos kumanta ng dalawang guro ay kumuha na ng bwelo ang pangatlong guro na ikinagulat at ikinatuwa ng marami. Laking tuwa ng mga netizens dahil marami sa kanila ay ganun din daw kumanta at proud na proud sila sa kanilang boses at talento.

Ikaw at Ako teacher’s cover🎶😂#HappyFriday

Posted by Mariflor Arandia Escala on Friday, 20 September 2019

 

Ang Video ngayon ay umaabot na sa 200k reactions at 180k shares dahil sa nakakawili nilang cover na sadyang pumukaw sa atensyon ng mga netizens. Marami ang naaliw talaga at hinangaan din ang mga guro.

Marami talaga talento ang ating mga Guro. Sila din ang ating pangalawang magulang at sa ating paglaki ay magiging parte sila ng ating buhay. May mga Guro din na talagang one of a kind na magiging isa sa paborito mong Guro at may mga Guro ka din na hindi mo malilimutan. Mabuhay po kayo mga mahal namin Guro!

Loading...