Ninang, Nagbigay ng Php 23,000 Sa Kaniyang Inaanak

Loading...

Tuwing Pasko, isa sa inaabangan ng mga kabataan ay ang mga pag papalitan ng regalo ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Usap usapan ngayon sa Facebook ang isang 23 anyos na babae na nakatanggap ng P23,000 mula sa kaniyang ninang Kaniya-kaniyang tag naman ang mga netizens sa kanilang mga ninong at ninang sa comment section ng post. Ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan.

Maraming pagkaing nakahain sa hapag kainan, ga bisitang mula pa sa ibang lugar ang dumadayo para magkasaa sama. Higit sa lahat, ito rin ang panahon kung kailan maraming kabataan ang nag-aabang sa mga regalong matatanggap mula sa kanilang mga mahal sa buhay, kabilang na ang mga ninong at ninang.

Marami naman ang nagkomento sa post na sa kasalukuyan ay may 34k reactions at 206k shares na. Karamihan dito ay tinag ang kanilang mga ninong at ninang sa post. Pero para kay S. Tiu, hindi pera mula sa kaniyang ninong at ninang ang kukumpleto sa kaniyang Pasko.

Larawan mula kay Princess Joie Cabiles

Larawan mula kay Princess Joie Cabiles

“I don’t need money. My only wish is to have my lola back this Christmas,” sabi niya. Sabi naman ni R. Santiago,

“Kung ganito na ang panahon ngayon, ayoko na talaga mag Ninang. Kakatak0t baka makul0ng ako pag ‘di ako makabigay tuwing sisingilin ako ng mga inaanak ko.” Komento naman ni J. Marquina,

“The best gift we can have from our ninongs and ninangs are life advices from their experiences.”

Matatandaang bago pa man sumapit ang panahon ng Kapaskuhan ay nagpaalala na ang Simbahang Katolika kung ano ang tunay na responsibilidad ng mga ninong at ninang sa kanilang mga inaanak.

“Ang papel ng ninong at ninang ay maging katuwang ng magulang, gabay. Kahit wala kayong mabigay na pakimkim, regalo ang inyong pagtulong sa magulang, ang inyong panalangin at mabuting halimbawa, mabuting asal, ang inyong pagpaalala sa mga biyaya kapag sila ay lumaki. ‘Yan ang inyong tungkulin,” sabi noon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Loading...