Namangha ang mga Netizens sa isang Grab Food Delivery Woman na naglalakad lamang maihatid lang ang mga orders sa customers

Loading...

Sa panahon ngayon ay maraming paraan na ng pagdedeliver. Hindi lang gamit ngayon ang dinedeliver dahil ultimo pagkain ngayon ay pwede na ipa-deliver mapa-motor man o naka-sasakyan. Gamit ang application ng GRAB FOOD ay kahit ano ay maaari mo orderin at maaari ka pumili kang pumili anumang pagkain sa stall, restaurant o fast food at ang rider ng Grab Food ang bibili para sa iyo.

Pero may kakaiba na Grab Food at hinangaan talaga ng mga netizens dahil alam naman natin ang Grab Food ay mga rider. Pero itong Grab Food na ito ay isang babae at naglalakad lamang na masayang nagseserbisyo sa kanyang mga customers.  Makikita natin sa grab food ay mga naka-motor pero itong babae na ito ay walang minamaneho na motor o kahit anong sasakyan dahil tanging paa lamang niya ang kanyang ginagawang ‘service’ para maihatid ang orders para sa kanyang mga customers.

Mula kay Jarred Gaviola ay ibinahagi niya ang kakaiba at nakakatuwang karanasan niya sa Grab Food nang minsan ay mag-order ng pagkain. Nakita niya sa mismong app na on the way na ang delivery woman na si Roshelle Medillo at nakalagay na ‘on foot’ o naglalakad lamang ito.

Nang tanungin ni Gaviola si Medillo sa pamamagitan ng app kung totoo bang naglalakad lamang ba ito. Masayang sumagot naman ang delivery woman at sinabing naglalakad lang talaga siya.

Photo Credit: Jarred Gaviola

Masaya naman ang customer at hinihintay si Medillo kahit naglakad lamang ito papunta sa kanilang tahanan. Nakipag-picture pa ito sa babae dala ang food bag na may logo na Grab Philippines. Humanga si Gaviola dahil sa determinasyon ni Medillo na magtrabaho sa Grab Food kahit wala ito anuman sasakyan na gagamitin.

Photo Credit: Jarred Gaviola

Ipinaabot ni Gaviola ang kanyang paghanga at sinseridad sa kompanyang Grab Food sa pagbibigay na patas na oportunidad sa lahat na gustong magkaroon ng trabaho kahit walang anuman sasakyan.

“Nagulat ako na may ganun tinatanggap ang Grab which is nakakatuwa dahil nagiging fair sila sa lahat ng gustong magtrabaho sa company nila.” Sambit ni Gaviola sa kanyang post.

Ayon sa mga netizen, maganda raw ang naidudulot nito sa ilang delivery agents dahil bukod sa trabaho na kumikita sila ay nakakapag-ehersisyo pa sila. May mga nagpaabot din ng paghanga sa masipag na deliver woman na hinihiling lang ng mga karamihan ay mag-ingat sa kangyang paghahatid ng pagkain sa customers.

Binabati namin ang iyong kasipagan Roshelle Medillo at nawa’y mag-ingat ka sa iyong pagtatrabaho lalo na tuwing gabi at marami kaming humahanga sayo.

Loading...